Pagsuong

Maulap ang umaga. Makapal rin ang hamog. Mukhang hindi akma ang umagang ito sa pag-akyat sa rurok ng bundok, nguni’t wala na kaming pagpipilian. Ilang araw na rin ang aming pinalipas sa dormitoryo sa camp site dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulan.

“Kung hindi kayo aakyat ngayon, hindi natin alam kung kailan muling titigil ang ulan,” banggit ng aming tour guide na si Kuya Nato. Kaya’t iniwan namin pansamantala ang aming mga gamit sa dormitoryo at minabuting sumuong na.

At ang malakas na pag-ihip ng hangin ay lalo lamang nagpalala sa lamig ng panahon.

Ipinagpatuloy namin ang aming paglakad. Habang tumatagal ay pakapal nang pakapal ang hamog. Parami na rin nang parami ang nahakot na putik ng aming mga sapatos. Palamig na rin nang palamig ang panahon at ang aking paghinga ay palalim na rin nang palalim. Inatake na ako ng aking hika.

This post had been transferred by the author to another blog named “Nimotsu Counter.” To know what happened after the character had an asthma attack in the middle of a hike to the peak of a mountain, kindly click here.

.

Nang masilayan ko ang iyong Mukha

DIGITAL CAMERA
Hawak-hawak mo ang aking kamay. Mahigpit. Tila ba wala kang balak itong pakawalan. Tumatakbo tayo, tila ba may tinatakasan. Nauuna ka sa akin kaya hindi ko nakikita ang iyong mukha. Umiiyak ako, hindi ko rin alam kung bakit. Basta isa lang ang sigurado ko : panatag ang kalooban ko habang hawak mo ang aking kamay.

Matapos noon ay nagising na ako. Hindi ko malilimutan ang mga kaganapang ito dahil ito ang unang pagkakataon na dinalaw mo ako sa aking panaginip.


This post had been transferred by the author to another blog named “Nimotsu Counter.” To read the rest of this love post in Filipino, kindly click here.