Isang Taon mula sa iyong “Pag-uwi”

Hunyo 8, 2013 nang kayo ay umuwi.  (Mababasa ang aking artikulo ukol dito sa A Certain Definition of “Uuwi na ako”)

Isang taon na rin po ang nakalilipas.  Kumusta po kayo diyan? Alam ko pong masaya naman kayo kapiling Niya.

Miss ko na po ang pagsakay sa tricycle ninyo. Lalo na po ang palagi ninyong pagpiprisintang sunduin at ihatid ako, saan man ako galing o papunta.  Mula noong bata po ako, noong elementary pa ako, hanggang ngayon na nagtatrabaho na po ako, wala po kayong mintis sa pagpapasakay sa akin sa inyong tricycle para lamang makatiyak na ligtas akong aalis o darating sa aking paroroonan, lalo na sa mga madaling-araw na mga biyahe.  Nami-miss ko po iyon kasi wala pong ibang taong gumagawa noon, kayo lang.

Isa lang po ang masasabi ko, sigurado na po ang aking pag-uwi ngayong araw para dalawin kayo.

 

Advertisements

What about your view?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s